Minsan May Isang Doktor
- Get link
- X
- Other Apps
Ang “Minsan May Isang Doktor” ay isang makabagbag-damdaming
kuwento na nagpapakita ng mga hamon at sakripisyo ng isang doktor na
naglilingkod sa kanyang komunidad. Sa kabila ng kanyang abalang iskedyul
at ang minsanang hindi pag-unawa ng iba sa kanyang propesyon, patuloy
siyang nagbibigay ng kanyang serbisyo nang walang hinihintay na kapalit.
Ang kuwentong ito ay sumasalamin sa katotohanan na ang mga doktor ay
hindi lamang nagtatrabaho para sa kanilang sarili kundi para rin sa
kapakanan ng kanilang mga pasyente. Ang pamagat ng kwento ay direktang
tumutukoy sa paksa nito. Kaya’t masasabi kong ito ay mahusay at akma
bilang pamagat. Taglay nito ang katangian ng isang mabuting pamagat dahil
ito’y nagbibigay ideya kung ano at sino ang paksa ng kwento. Mahalaga ang
paksa ng kwento na patungkol sa buhay at sa tungkulin ng isang doctor na
walang pinipiling panahon o pagkakataon.
Sa aking reaksyon, nais kong bigyang-pugay ang lahat ng mga doktor
na tulad ng nasa kuwento. Sila ay tunay na mga bayani na nag-aalay ng
kanilang oras, kaalaman, at kahit na ang kanilang personal na buhay para
sa kalusugan at kaligtasan ng iba. Ang kanilang dedikasyon at
pagmamalasakit ay dapat na kilalanin at pahalagahan ng bawat isa sa atin.
Aking pinahahalagahan ang kwento dahil nagpapakita ito ng halaga ng
propesyonalismo at pagmamahal sa serbisyo publiko. Ang karakter ng doktor
ay nagpapakita ng integridad, matiyaga, at mapagmalasakit sa kapwa. Ang
kwento ay nagbibigay inspirasyon sa mga mambabasa na maging mas
matiyaga at mapaglingkod sa kanilang sariling larangan.Tama at maayos
naman ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento dahil maayos
ang pagsasalay at paglalarawan sa mga pangyayari. Papataas ang lebel ng
kawilihan o tension sa kwento dahil namamayani ang emosyon ng tauhan.
Sa pangyayari sa kwento. Dahil sa pag aalala niya sa kanyang anak naka
galitan pa niya ang doctor. Ang naging umpisa ng kwento ay masasabi kong
ayos lang dahil mukhang wala pa namang tensyon na magaganap sa umpisa.
Ngunit sa umpisa pa lamang na kwento ay mababatid mo nang may
kakaibang magaganap dito.
Bukod dito, ang kwento ay nagpapaalala sa atin sa kahalagahan ng
pagtutok sa pangangailangan ng iba at pagiging handang magbigay ng tulong.
Ipinapakita ng kwento na sa pamamagitan ng ating dedikasyon at
pagmamahal sa propesyon, maaari tayong maging instrumento ng pag-asa at
pagbabago sa ating lipunan. Malungkot ang naging wakas ng kwento.
Nakakapukaw ito ng damdamin sa mambabasa. Hindi ko inaasahan dahil
hindi mahaha lata sa doctor na kay bigat ng kanyang dinadala dahil habang
nililigatas niya ang buhay ng iba, ay naka burol naman ang kanyang sariling
anak na namatay na.
- Get link
- X
- Other Apps
Comments
Post a Comment